Natutuwa ako sa mga kuwento ng mga pinsan ko mula sa Amerika kung gaano kagagaling ang mga Filipino duon. Ang halos walang pahingang pagsusumikap na maiahon ang kanilang buhay pati na ang mga mahal nila na naiwan dito sa Pilipinas. Hindi raw kayang tawaran ang kasipagan ng Pinoy duon, kumukuha ng di lang iisang trabaho para lamang makaipon upang may maipadadala sa Pinas.
Duon rin hinuhubog ang kanilang pagiging masunuring mamamayan. Ang batas kasi duon ay batas na talagang ipinatutupad na kailangang sundin mo kung ayaw mong makulong o magmulta. Isang halimbawa na raw ay ang pagmamaneho. Duon ang ipinaiiral ay ang defensive driving, hindi pwede ang pagmamaneho na parang lasing, yung pa-ekis-ekis ba sa daan. Yung pinsan ko nga sabi ng nanay at tatay ko ang galing magmaneho, hindi dahil sa mabilis, kundi dahil maingat raw talaga. Ang paggalang sa pedestrian wala ring katulad, natutunan nilang gumalang sa mga taong nasa gilid ng kalsada na nagnanais tumawid. Ang sasakyan ang umiiwas sa tao.
Duon uso pa raw ang bayanihan. Naalala ko yung kuwento ng aking tiyo. Nuong una raw silang dumating sa Amerika wala silang kamag-anak na puwedeng takbuhan kaya may mga pagkakataon na sa lansangan sila nagpapalipas ng gabi. Ngayon na maayos na ang kanilang kabuhayan sa Amerika, ang kanyang karanasan nuon ay ayaw niyang maranasan ng kaniyang mga kamag-anak o maging ng mga taong hindi niya kakilala na nagtutungo sa Amerika. Binubuksan niya ang pinto ng kanyang bahay upang maging panandaliaang tahanan ng mga wala pang matuluyan.
Kahit saang sulok ng mundo ganito ang maririnig mong kuwento. Kuwento ng kabayanihan ng mga kababayan nating piniling manirahan sa ibang bansa o nang mga kababayan nating nangibang bayan na ang dahilan ay pangkabuhayan. Hinahangaan tayo sa uri ng ating paglilingkod. Hinahanap hanap ang klase ng ating pakikipag-kapwa na puno ng puso. Ang pagiging hospitable natin dala natin kahit tayo ang dapat na nangangailangan nito. Iba talaga ang Pinoy. Maaasahan mong magiging mabuting dayuhan saan mang parte mundo.
Kailan kaya tayo magiging "Mabuting Dayuhan" sa ating sariling bayan?
Mabuti na lang ikaw na bumabasa nito ay isang mabuting mamamayan. Sana dumami pa ang lahi mo.
Saturday, May 26, 2007
Mabuting Dayuhan
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 7:43 PM 1 Tagahanga
Friday, May 25, 2007
Pakemo.com
Kailan ko nga ba kayo nakasama... hindi ko na rin matandaan kung kailan.. basta ang alam ko inabot ko ang unang selebrasyon ng ating pagkakatatag... kailan nga ba yun... pasensya na... makakalimutin na ang inyong manong... ika-8 ng Disyembre nuong nakaraang taon... tama ba...
Masaya ang mga araw na inilagi ko sa forum na ito... lalo na nuong buo pa ang original Pakemoers... masarap sumali sa mga debate... kahit na inuulan ako ng batikos at minsang pangungutya okay lang... kasi trip ko talaga ang magpahayag ng aking pananaw...
Teka... naaalala ko na ngayon kung paano ako napadpad sa Pakemo.com... naghahanap ako ng mga site na may usapin tungkol sa Same Sex Marriage... meron kasing mainitang debate sa Filipino.ca... ang isa pang forum na sinalihan ko... ayun sa kahahanap ko napadpad ako sa thread ni red_apple... at ang mga sumunod na pangyayari ay kasaysayan na... ano nga ba ang mga sumunod na pangyayari....
Nakilala ko ang mga unang kaibigan ko sa Pakemo... si daRAQ na unang nagpadala ng PM sa akin na humahanga sa isang post ko... ewan ko kung ano na yun pero siya ang unang PM ko... andyan rin si IsKaH na naging textmate ko nuong una... hangang sa maging friendship ko na.... kung andyan si IsKaH siyempre andyan ang kanyang Ex...este...si xlagi pala....
Ang walang kakupas kupas na forumer na si Jam... natutuwa ako kay Jam kasi maliban sa pag post sa thread may kasabay pa itong PM para mas lalong ipaliwanag ang kanyang punto sa post nya... si Kizzey na laging kaasaran dati ni wengskie... nakilala ko rin ang aking unang crush sa Forum... teka... pwede ba itong sabihin dito... hmmm... sige na nga... si Idol... hehehehe... taga qc kasi... hehehe... friend ko iyang si Purple... miss you friend...
Nariyan rin si jestercroissant at ang kanyang buddy buddy na si Manang chii na miss ko na sobra... kasama rin si D1... silang tatlo ay taga Laguna... sa tatlong iyan si jestercroissant lang ang hindi ko pa nakikita... hindi kasi matuloytuloy ang EK namin... nakakapikon na nga eh...
Andiyan rin si Amor... MJ... medyo seryoso mga usapan namin ng babaeng ito... sana naman minsan magtawanan naman tayo... kung andyan si MJ andyan rin si Jain... isa pa ito... matampuhing prinsesa ito eh... pero kahit paano may mga pagkakataon na puro tawanan lang ang aming usapan... masaya... kung andyan ang dalawang iyan hindi nalalayo sa paligid ang kanilang mga BF (best of friends) kilala na ninyo kung sino kayo... hahahaha... andiyan rin ang aking kaibigang nawawalang paraiso... si Gel aka lost_paradise... kumusta ka na aking kaibigan... magkikita pa ba kayo ni JM pag-uwi mo... sana naman... chat tyo ulit minsan... miss you... hay buhay... miss ko na kayo...
Si Anne... kahit di kita naging close sinubaybayan ko mga posts mo... Tanya... kahit parang ang ilap mo at ang hirap maging kaibigan binabasa ko ang mga postings mo... Tina... kumusta ka na ba... anong balita sa pag-aaral mo... andiyan rin ang isa sa mga adik sa forum na si Ashleigh... kaibigang ham ham kumusta ka na ba... ikumusta mo ako kay pulaskie... progresibo pa ba ang ating kaibigan... o mangingibig na siya tulad mo... si Kat na di nakalilimot na bunisita sa aking apartment... si porcelain_doll na naging malapit rin sa aking puso... bakit nga ba... hmmmm...
Ang mga Original Pakemo 2 and 3 newbies... si Rina na adiktus na rin kasam si sir K niya... si Michaelkoh... Mhaio... Mariel... Greenapple... sino pa ba... sigurado ang dami kong nakalimutan... pasensya na po at mahina ang kalaban...
Maraming magandang ala-ala ang Pakemo... maraming kaibigan akong nakilala dito... isang katerbang luha ang aking nasaksihang pumatak... maraming kuwento ang napakinggan... mga kuwento ng mga totoong tao... ang kanilang mga pangarap... tagumpay sa buhay... at ang kanilang mga problema... lahat iyan aking tinanggap bilang kuwento ng buhay ng mga taong itinuring kong mga kaibigan...kapatid... so Miss G of M... don't say that here I am again being affected by the juveniles... hahahaha....
Hindi lahat ng pangyayari sa Pakemo maganda... pero hindi kayang burahin sa isipan ko ng mga pangit na pangyayari ang masaya at totoong bahagi sa mundo ng Pakemo... marami sa kanila ang nagtatago sa likod ng kalawakan ng internet... pilit na itinatago ang toong sila... ngunit umaasa ako na sa tuwing kausap ko sila... ang kausap ko ay ang totoong Pakemoer ... walang pake... ngunit totoo kung kakausapin ng mga nagpapakatotoo...
Ikaw... pake mo sa nabasa mo... kami ito eh... sumali ka sa amin ng makilala mo kami... baka mabigyan pa kita ng Balot... hahahaha...
| PINOY COMMUNITY FORUMS | |
pakemo.com Speak up... Express Yourself... Be Pinoy! |
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 1:45 AM 1 Tagahanga
Unang patak....
Amputek naman... asan na ba ang mga una kong naisulat na... kakatamad umulit noh!! Pero masarap naman ang lahat ng first time diba... heheheh... unang halik... unang kagat... unang patak... hahahaha... lahat ng una masarap... pwera lang siguro ang unang pagkasawi sa pag-ibig... ano ba yan... nalungkot naman ako... change topic... este... balik sa... ano nga ba ang sinasabi ko... ah basta... naiinis ako kasi umpisa ulit ako... walang katapusang umpisa na lang...
masarap ang gumawa ng Blog... kaya lang hindi nakakatutuwa ang paulit-ulit na lang na umpisa... nakakapikon na minsan... sana naman ang kabobohan kong ito ay hindi na paulit-ulit na mangyari... nakakahiya na ako... imagine mo ang yabang ko nuong una kasi ipinagkalat ko na may Blog ako... ayun... una at huli na pala yun... hahahaha... sinundan pa ulit na isa pang announcement... pangalawa at huli ang sumunod... hahahaha... ngayon nawawala na ang lahat... amputek talaga...
Bakit nga ba unang patak ang pamagat ng Blog ko na ito... teka iisipin ko... isip isip isip... ahhh alam ko na!!!! Kasi yun yung unang pumasok sa utak ko na nagdurugo na sa kakaisip kung ano ang gusto kong gawin... bored to the max ako kaya naisipan kong sumulat... eto... unang patak ng dugo ko sa araw na ito... ibig sabihin ngayon ko lang ginamit ang utak ko kaya ngayon lang pumatak ang dugo...
Sana parating dumugo ang utak ko at maipatak ko ito sa kahit anong pwedeng patakan... basta makikita ang dugong pumatak... lalo na nuong mga nais kong pag-abutan ng laman ng aking utak... ayoko na sayangin pa ang mga dugong ito na kadasalan ay natutuyo lamang at nawawalang saysay... nawawalan ng halaga... sayang na pagpapadugo ng utak... walang kinahahantungan...
Ikaw... natutuwa ka ba sa binabasa mo o tulad ko inantok rin sa una kong nabasang Blog? Kung inaantok ka na sige gumawa ka ng sarili mong Blog at para naman may antuking iba at piliting paduguin rin at papatakin ang kanilang dugo upang magising na tulad ko... sige na anong hinihintay mo pa... sulat na!!!!! Lintek na!!!!!!!!!!!!!! Sayang yang utak mo!!!!!
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 1:04 AM 0 Tagahanga