Basura... nagkalat... kahit saan ka lumingon may makikita kang basura...
Kanina pauwi ako galing ng opisina... dumaan ako ng SM... at sa aking paglabas ng mall ewan ko ba kung bakit ang una kong napansin ay ang mga nagkalat na basura sa kalye... mula sa balat ng kendi at upos ng sigarilyo hanggang sa isang pares ng lumang sapatos... ang panget talaga... parang yung lugar na dinaraanan ko ay isang basurahan ng higante... at ako ay parang isang bangaw sa basurahan niya...
Pero naisip ko na wala namang higante at hindi basurahan niya ang lugar na dinaraanan ko... nasa labas ako ng isang kilalang mall na katapat ng isa pang malaking mall... kaya hindi ako nananaginip o nag-iilusyon... kahit nagugutom na ako alam ko na nasa labas nga ako ng kilalang mall na katapat ng isa pang malaking mall... tama... hindi nga ako nananaginip o nag-iilusyon... basura nga ang aking nakikita at ito ay nagkalat sa kalye... sa harapan ko... sa pinag-aabangan ko ng jeep para maka-uwi...
Talagang hanggang sa maka-uwi ako ng bahay ito ang iniisip ko... saan ba nanggaling ang mga basurang ito... kung hindi sa higante... kanino galing ang mga ito... hindi pwedeng isisi ito sa mga taong kasakay ko sa jeep... kasi sigurado ako na kahit isa sa kanila hindi kayang ngumata at sumipsip ng ganoong karaming kendi... sigurado rin ako na pati nguso niya burado kung ganoong karaming sigarilyo ang hinithit niya... at lahat naman ng kasakay ko kumpleto ang sapatos... sino ang nagtapon ng mga basura na iyon sa daan...
Teka... napa-isip ulit ako... baka naman pakana ito ng mga aktibista na nais guluhin ang ating gobyerno... o baka pakana ng gobyerno ito... hmmmm... sino kaya... ang mga NPA... Abu Sayaff... mga militar... mga pulis... baka naman si Gloria.... sino nga kaya... kailangan makakuha ako ng sagot para may mapagbuntungan ako ng sisi... mahirap na... baka sarili ko ang aking sisihin kung hindi ko malalaman sino ang salarin...
Sino nga ba... ikaw na bumabsa nito... kilala mo kung sino ang salarin... sino ang damuhong nagkakalat ng kanyang mga basura sa kalye... kilala mo ba kung sino... kung kilala mo halika at samahan kita magsumbong sa nuno sa punso... sabihin natin na palakihin ang kanyang *toot kung lalaki at kung babae naman ay palakihin ang butas ng kanyang **toot para magtigil na siya sa walang habas na pagtatapon ng basura...
*Mata upang makita ang karumaldumal na krimen laban sa inang kalikasan...
**Ilong upang maamoy niya ang bahong dulot ng kanyang kababuyan...
Tuesday, June 19, 2007
bAngAw, mATa, aT iLOng...
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 6:36 AM 0 Tagahanga
Sunday, June 10, 2007
Paper Clip...
May nabasa akong Blog... medyo naakit ang aking atensiyon sa pamagat kasi tungkol raw sa "Manggagawa" ... ako naman dali-daling pinuntahan ang link na ibinigay... ayun... basa... basa... asa... asa... asar!!!!!!!!!
Paano ka bang hindi maaasar eh tungkol pala sa pagbabayad niya ng buwis yung punto ng Blog... pero hindi ako duon naasar... yung ipinagmayabang niya na siya at ang mga katulad niyang manggagawa na kinakaltasan ng Buwis ang siya lamang may karapatang umangal sa Gobyerno...
Haler!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Buwisit na buwisit ako sa ganitong uri ng pag-isip...
Lahat ng tao sisisihin... lahat ng taong lumalabas sa kalye upang magprotesta tatawaging komunista... lahat ng squater pabigat sa lipunan kung ituring... kung mahirap ka at maraming anak salot sa lipunan ang tingin... lahat ng bumabatikos sa maling palakad sa Gobyerno nangugulo lang raw... at lahat ng mga iyan at yung mga mahihirap na walang trabaho at hindi nakakaltasan ng buwis ay WALANG KARAPATANG UMANGAL kasi HINDI naman raw nakakatulong sa Bansa!!
Haler!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ang kaltasan ka pala ng Buwis ay ang pinakamainam na paraan para MAKATULONG sa bayan... at kung kinakaltasan ka ng Buwis ay ikaw lang ang may KARAPATANG HUMINGI ng pagkalinga mula sa Gobyerno...
Haler!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Eto na ang pinaka KUMPORTABLENG paraan ng paglilingkod sa Bayang Sinilangan mo... imagine, na otso oras araw-araw sa loob ng anim na araw sa isang linggo ka nga naman magpapagod at yung bayad sa pinagpaguran mo ay darating sayo na may kaltas na... ANG SARAP MAGLINGKOD PARA SA BAYAN!.. pagod at inis lang ang puhunan mo NAKAPAGLINGKOD KA NA!
Hindi mo ba alam na lahat tayo (may trabaho o wala) ay nag-aambag sa Kaban ng Bayan... alam mo ba yun?! Pwes kung hindi mo alam ipaaalam ko sayo...
Ang squater na palamunin kung ituring ninyo ay nag-aambag rin sa Kaban ng Bayan... paano... tuwing kakain yan ng isang pakete ng Payless Instant Mami na paghahatian ng apat hanggang limang tao sila rin ay nag-ambag na sa Kaban ng bayan... bakit... yung binili nilang Payless Instang Mami ay may ipinatong na Buwis na idinagdag ng mga mamumuhunan na binabayaran ng mga squater at iba pang mga mahihirap... sa makatuwid... yung kanilang pinagpaguran sa maghapon sa kanilang pamamalimos sa ating mga may trabaho ay ipinambibili rin nila ng Payless Instant Mami na kargado ng Buwis... kahit nga ang itlog at pandesal bago naging itlog at pandesal sangkaterbang Buwis ang ikinarga... at tuwing bibilihin ito ng kahit sino binabayaran rin ang Buwis na nakakarga dito...
siguro ikaw na may trabaho mas marami ka lang ambag... pero lahat ay nag-aambag... hindi nga lang direkta... pero may ambag pa rin kahit papaano...
ano ang punto ko... HUWAG isiping ikaw lamang ay may karapatang ituring na MAKABAYAN o NAKATUTULONG sa Bayan dahil maraming Tax Payer ang kumukuyakuyakoy lang rin pagkatapos ipamili ang kanilang kinaltasang suweldo...
Kung magaling ka talaga at gusto mong TUMULONG sa kapwa at Bayan may suggestion ako sa inyo....
1. Ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na basura...
2. Bawasan ang paggamit ng plastic...
3. Bumili ng mga produktong gawa sa Pilipinas...
4. Kumain sa mga turo-turo na sigurado kang 100% Filipino ang nagmamay-ari...
5. Magtapon ng basura sa tamang tapunan..
6. Bumili ng mga gamit na kailangan lang talaga...
7. Ipaglaban ang karapatan para sa Libreng Edukasyon...
8. Ibahagi ang ano mang sobra na mayroon ka kahit tuwing pasko lang...
9. Mag-tutor ka ng libre sa kahit na isang kabataan sa lugar ninyo...
10. Pagkatapos kumain sa McDo imisin ang pinagkainan...
11. Tumawid sa tamang tawiran...
12. Sumakay at bumababa sa itinakdang lugar para dito...
13. Kunin mo ang sukli mo kahit na singko lang ito...
14. Tulungan mo ang isang matanda sa pagtawid...
15. Isumbong mo sa kinauukulan ang ano mang krimen na iyong masasaksihan...
16. Huwag manigarilyo sa isang publikong lugar...
17. Magtanim ng puno kahit isang beses sa loob ng limang taon...
18. Huwag kang magsusunog ng tuyong dahon kasi masama ito sa ozone layer...
19. Huwag ka magnakaw ng paper clip sa opisina ninyo...
20. Kung naniniwala ka sa Diyos ipanalangin mo ang mga taong hindi mapalad na tulad mo...
Ayan... siguro naman pwede na kahit isa man lang diyan magawa mo para naman magkaroon ng SUSTANSIYA ang pagiging MATULUNGIN at pagiging MAKABAYAN mo...
kung ayaw mo na MAKISANGKOT sa AKTIBONG PAGPAPANIBAGO ng LIPUNAN ay huwag ka na lang dumakdak kasi kulang ang Buwis na kinakaltas sayo... sabi mo nga NINANAKAW lang naman yan ng mga KAWATAN sa Gobyerno... ano ang naiambag mo kung ninanakaw lang pala ito... e di wala... isa ka ring WALANG PAKINABANG...
hayyyy... okay na ako... nakakahinga na ako ulit ng maluwag... buhay nga naman...
Hehehe... ako rin ata ang sumulat nung binabatikos ko na Blog ah... hahahaha... nuon yun... nung SARADO pa ang aking ISIP at PUSO sa mga nangyayari sa aking kapaligiran... MANHID eka nga... kaya kung iniisip mo na ikaw ang tinutukoy ko dito sorry... pareho pala tayo ng ugali nuon... pero kung nasasaktan ka... marahil ganun ka pa rin hanggang ngayon... kaya kung ako sayo huwag ka nang magnakaw ng paper clip sa opisina ninyo... gets?
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 7:10 PM 0 Tagahanga
Thursday, June 7, 2007
Kabataang Bayani....
Nakarating ako sa San Rafael sa Bulakan na kung saan ay kinikilala nila si Heneral Anacleto Enriquez bilang bayani na nagbuwis ng buhay para sa Bayan. Isang anak ng Bulakan na sa murang edad na 20 ay naging miyembro ng Katipunan na naka-base sa Bulakan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Isidoro Torres.
Ipinanganak nong ika-24 ng Septiyembre taong 1876 sa San Nicolas, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Vicente Enriquez de Jesus at Doña Petrona Sepulvida-Fernando y Gatmaitan. Ipinadala sa Ateneo Municipal de Manila para sa kanyang edukasyon kasama ng iba pa niyang kapatid na lalaki.
Hulyo ng taong 1896 sumanib sa Katipunan si Ancleto at ang kanyang kapatid na si Vicente. Sa utos ng Supremo, umuwi silang magkapatid upang magtatag ng Katipunan, at duon naitatag ang "Balangay Uliran." Ito ang grupong umatake sa "Cuartel del Guardia Civil" na ang tanging armas lamang ay itak at ilang baril. Kinilala rin si Heneral Anacleto Enriquez bilang asintado sa pagbaril, dito siya tinawag na Matang Lawin.
Nong ika-29 ng Nobyembre, sa utos ni Heneral Isidoro Torres, nagtungo ang grupong pinamumunuan ni Heneral Ancaleto Enriquez sa Buenavista sa Baliwag ngunit iniwan rin ito dahil inakala ng batang Heneral na mahirap depensahan ang lugar kung sakaling atakihin ng mga kalaban kaya nagtungo ang buong puwersa niya sa bayan ng San Rafael.
Umaga pa lang at kararating pa lang nila sa San Rafael ng dumating ang puwersa ng kalaban. Ito na ang pinaka-malaking puwersang nabuo ng mga espanyol laban sa mga rebolusyonaryong puwersa sa Bulakan. Ipinakikita lang nito na malaki ang respeto nila sa taong kanilang hinahabol. Dahil sa laki ng puwersang kinakaharap, iniutos ng batang Heneral na pumasok sa simbahan ng San Rafael upang duon lumaban hanggang sa wakas. Bago nila narating ang simbahan ay nahati pa ang kanilang puwersa dahil sa tindi ng atake ng kalaban, napahiwalay sa kanyang grupo ang kapatid na si Vicente.
Tanghali ng ika-30 ng Nobyembre lumusob sa simbahan ang buong puwersa ng kalaban. Lumaban ng buong tapang ang mga Katipunero sa pamumuno ni Heneral Anacleto Enriquez kahit na kulang sila sa armas. Mas pinili nila ang mamatay kesa sumoko sa mga kalaban. At yuon nga ang nangyari nuong araw na iyon. Napuno ng dugo ang simbahan, dugo ng mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Ayon sa kuwento ng mga saksi, hanggang bukong-bukong ang dugo na ibinuhos sa loob ng simbahan. Puno ng patay ang loob ng simbahan, kasama sa mga bangkay ang ay kay Heneral Anacleto Enriquez, ang Matang Lawin. Dito naghalo ang dugo ng mayayaman at mahihirap, mga may pinag-aralan at wala, anak ng mga Haciendero at mga anak ng tauhan nila, at ng mga Bayani at mga abusadong mananakop.
Inialay ng batang Heneral ang kanyang magandang kinabukasan para sa bayan. Mas pinili niya ang ipaglaban ang kalayan ng Bayan sa buhay ng karangyaan. Ibinuwis niya ang kanyang buhay upang makamtan ang kalayaang inaasam. Pati ang kanyang pag-ibig ay kanyang iniwan para lamang sa Bayan.
Kabataan, ikaw, ano ang hinihingi sayo ng Inang Bayan mo?
Hinihingi ba na ibuwis mo rin ang buhay mo para sa ipagtatanggol ang kalayaang tinatamasa mo ngayon? Kailangan pa bang iwan ang pag-ibig upang ipaglaban ang iyong karapatan? Kailangan pa bang tumigil ka ng pag-aaral? Kailangan pa bang isuko ang karangyaaan sa buhay?
Si Matang Lawin ay hindi tulad ng mga Bulag na Sisiw sa ating lipunan ngayon. Mga taong hindi nakikita ang tunay na kalagayan ng ating paligid, at kung nakikita man ay nagbubulag-bulagan naman. Kahit na lantaran ang pagnanakaw at pang-aabuso ay mariringgan mo pa rin ng mga katagang "hayaan mo na yan... wala tayong mapapala diyan..."
Si Matang Lawin ay hindi rin tulad ng mga Inahing Pipi. Wala na ngang nakikita wala pa rin masabi tungkol sa mga nangyayari. Kung pumutak man ang tanging maririnig mo ay ang pangungutya sa mga taong lumalaban at tumulong sa iba. Putak ng putak na buhay ng iba ang ipinuputak.
Si Matang Lawin ay hindi lalong tulad ng mga Pilay na Tandang. Wala na ngang ginagawa para sa ikauunlad ng sarili ay nagiging pabigat pa lalo. Sila yung mga ganador, pangangasta lang ang alam gawin. Mabuti sana kung makakain ang mga pinalalaking bayag nila. Silang mga sangganong matatapang na salot ng lipunan.
Panahon ba ng digmaan upang magdalawang isip ka na ipaglaban ang kalayaan at ang iyong karapatan? Hindi na kailangan ang maging si Matang Lawin ka sa panahon ngayon. May magagawa ka at ito ay hindi na nangangailangan ng mga sakripisyong tulad ng kay Anacleto. Kailangan lang ang isang Puso na Makabayan na magtutulak sa iyo na mahalin ang Inang Bayan tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Kailangan lang ang isang Puso na may Malasakit para sa kapwa na magtutulak sayo na gumawa ng mga bagay para sa kapakinabangan ng mga mahal mo sa buhay at ng iba. Kailangan rin ang isang Pusong Kumikilala sa Diyos na siyang gagabay sa iyo sa lahat ng ginagawa mo.
Mahirap ba ang hinihingi sa iyo? Kaya mong maging Bayani sa simpleng buhay na meron ka ngayon. Imulat mo ang iyong mga mata at masdan mo ang iyong paligid... kailangan ka ng kapwa mo... ng Bayan mo... may magagawa ka... kilos na... hindi ka nag-iisa...
Mabuhay si Matang Lawin at ang mga Bagong Bayani ng Bayan!!
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 11:23 PM 2 Tagahanga
Friday, June 1, 2007
Simulan natin...
Marami ang nagsasabibing walang pag-asang mabago pa ang kalagayan ng ating bansa, kaya mas marami ang pipiliin ang ipikit na lang ang mga mata sa mga hindi magagandang kaganapan sa paligid. Ano pa nga ba ang magagawa natin sa patuloy na pagbagsak ng moralidad sa lipunan? Kahit anong gawin natin walang mangyayari dahil talamak na ang katiwalian. Iyan ang kadalasang maririnig mo ngayon, at ang nakalulungkot pa nito, maririnig mo ring sinasabi ito ng ilang kabataan.
Bakit ang malaking bilang ng kabataan sa ating lipunan ay di man lang maging isang puwersang maaaring bumago sa lagay ng ating lipunan? Nakapagtatakang ang malaking bilang ng botanteng kabataan ay hindi makapagluklok ng mga kandidatong matino. At ang higit na nakapagtataka ay ang malaking bilang ng mga kabataang nasa edad na para makaboto ay hindi rehistrado! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang isang kabataan na sinasabing puno ng ideyalismo ay hindi man lang makapagbigay ng oras upang magparehistro. Rehistrado man at puwedeng bumoto ay nagagawa pa ring isuko ang kanilang karapatang bumoto?
Nilalamon na nga ba ng kawalang paki-alam ang mga kabataan ngayon? Maaaring oo, ngunit hindi ganap, may magagawa pa tayo para baguhin ito. Huwag nating hayaang maglakbay sa kawalan ang malaking bilang na ito ng mga kabataan. Maaari pang gisingin ang kanilang natutulog na damdaming makabayan.
Hindi kinakailangan ang isang malaki at malawakang pagkilos upang gawin ito. Hindi kailangan ang pera upang ito ay maisakatuparan. Ang kailangan lang ay simulan ng kahit iilan ang pagkilos. Si Hesus pumili lamang ng labindalawa, kung kinaya ng labingdalawa, kakayanin sigurado ng higit pa sa labindalawa. Magsisimula sa isa, at hahawaan ang isa pa, sa kinalaunan, higit na tayo sa labindalawa.
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 12:43 AM 2 Tagahanga