May nabasa akong Blog... medyo naakit ang aking atensiyon sa pamagat kasi tungkol raw sa "Manggagawa" ... ako naman dali-daling pinuntahan ang link na ibinigay... ayun... basa... basa... asa... asa... asar!!!!!!!!!
Paano ka bang hindi maaasar eh tungkol pala sa pagbabayad niya ng buwis yung punto ng Blog... pero hindi ako duon naasar... yung ipinagmayabang niya na siya at ang mga katulad niyang manggagawa na kinakaltasan ng Buwis ang siya lamang may karapatang umangal sa Gobyerno...
Haler!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Buwisit na buwisit ako sa ganitong uri ng pag-isip...
Lahat ng tao sisisihin... lahat ng taong lumalabas sa kalye upang magprotesta tatawaging komunista... lahat ng squater pabigat sa lipunan kung ituring... kung mahirap ka at maraming anak salot sa lipunan ang tingin... lahat ng bumabatikos sa maling palakad sa Gobyerno nangugulo lang raw... at lahat ng mga iyan at yung mga mahihirap na walang trabaho at hindi nakakaltasan ng buwis ay WALANG KARAPATANG UMANGAL kasi HINDI naman raw nakakatulong sa Bansa!!
Haler!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ang kaltasan ka pala ng Buwis ay ang pinakamainam na paraan para MAKATULONG sa bayan... at kung kinakaltasan ka ng Buwis ay ikaw lang ang may KARAPATANG HUMINGI ng pagkalinga mula sa Gobyerno...
Haler!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Eto na ang pinaka KUMPORTABLENG paraan ng paglilingkod sa Bayang Sinilangan mo... imagine, na otso oras araw-araw sa loob ng anim na araw sa isang linggo ka nga naman magpapagod at yung bayad sa pinagpaguran mo ay darating sayo na may kaltas na... ANG SARAP MAGLINGKOD PARA SA BAYAN!.. pagod at inis lang ang puhunan mo NAKAPAGLINGKOD KA NA!
Hindi mo ba alam na lahat tayo (may trabaho o wala) ay nag-aambag sa Kaban ng Bayan... alam mo ba yun?! Pwes kung hindi mo alam ipaaalam ko sayo...
Ang squater na palamunin kung ituring ninyo ay nag-aambag rin sa Kaban ng Bayan... paano... tuwing kakain yan ng isang pakete ng Payless Instant Mami na paghahatian ng apat hanggang limang tao sila rin ay nag-ambag na sa Kaban ng bayan... bakit... yung binili nilang Payless Instang Mami ay may ipinatong na Buwis na idinagdag ng mga mamumuhunan na binabayaran ng mga squater at iba pang mga mahihirap... sa makatuwid... yung kanilang pinagpaguran sa maghapon sa kanilang pamamalimos sa ating mga may trabaho ay ipinambibili rin nila ng Payless Instant Mami na kargado ng Buwis... kahit nga ang itlog at pandesal bago naging itlog at pandesal sangkaterbang Buwis ang ikinarga... at tuwing bibilihin ito ng kahit sino binabayaran rin ang Buwis na nakakarga dito...
siguro ikaw na may trabaho mas marami ka lang ambag... pero lahat ay nag-aambag... hindi nga lang direkta... pero may ambag pa rin kahit papaano...
ano ang punto ko... HUWAG isiping ikaw lamang ay may karapatang ituring na MAKABAYAN o NAKATUTULONG sa Bayan dahil maraming Tax Payer ang kumukuyakuyakoy lang rin pagkatapos ipamili ang kanilang kinaltasang suweldo...
Kung magaling ka talaga at gusto mong TUMULONG sa kapwa at Bayan may suggestion ako sa inyo....
1. Ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na basura...
2. Bawasan ang paggamit ng plastic...
3. Bumili ng mga produktong gawa sa Pilipinas...
4. Kumain sa mga turo-turo na sigurado kang 100% Filipino ang nagmamay-ari...
5. Magtapon ng basura sa tamang tapunan..
6. Bumili ng mga gamit na kailangan lang talaga...
7. Ipaglaban ang karapatan para sa Libreng Edukasyon...
8. Ibahagi ang ano mang sobra na mayroon ka kahit tuwing pasko lang...
9. Mag-tutor ka ng libre sa kahit na isang kabataan sa lugar ninyo...
10. Pagkatapos kumain sa McDo imisin ang pinagkainan...
11. Tumawid sa tamang tawiran...
12. Sumakay at bumababa sa itinakdang lugar para dito...
13. Kunin mo ang sukli mo kahit na singko lang ito...
14. Tulungan mo ang isang matanda sa pagtawid...
15. Isumbong mo sa kinauukulan ang ano mang krimen na iyong masasaksihan...
16. Huwag manigarilyo sa isang publikong lugar...
17. Magtanim ng puno kahit isang beses sa loob ng limang taon...
18. Huwag kang magsusunog ng tuyong dahon kasi masama ito sa ozone layer...
19. Huwag ka magnakaw ng paper clip sa opisina ninyo...
20. Kung naniniwala ka sa Diyos ipanalangin mo ang mga taong hindi mapalad na tulad mo...
Ayan... siguro naman pwede na kahit isa man lang diyan magawa mo para naman magkaroon ng SUSTANSIYA ang pagiging MATULUNGIN at pagiging MAKABAYAN mo...
kung ayaw mo na MAKISANGKOT sa AKTIBONG PAGPAPANIBAGO ng LIPUNAN ay huwag ka na lang dumakdak kasi kulang ang Buwis na kinakaltas sayo... sabi mo nga NINANAKAW lang naman yan ng mga KAWATAN sa Gobyerno... ano ang naiambag mo kung ninanakaw lang pala ito... e di wala... isa ka ring WALANG PAKINABANG...
hayyyy... okay na ako... nakakahinga na ako ulit ng maluwag... buhay nga naman...
Hehehe... ako rin ata ang sumulat nung binabatikos ko na Blog ah... hahahaha... nuon yun... nung SARADO pa ang aking ISIP at PUSO sa mga nangyayari sa aking kapaligiran... MANHID eka nga... kaya kung iniisip mo na ikaw ang tinutukoy ko dito sorry... pareho pala tayo ng ugali nuon... pero kung nasasaktan ka... marahil ganun ka pa rin hanggang ngayon... kaya kung ako sayo huwag ka nang magnakaw ng paper clip sa opisina ninyo... gets?
Sunday, June 10, 2007
Paper Clip...
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 7:10 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment