Google

Thursday, August 30, 2007

wOW! bULaGa!

Eat Bulaga vs Wowowee... Joey vs Willie... 7 vs 2 :D

Para sa akin masaya ang mga palabas nila... pero hindi ko talaga kahit kailan man nagustuhan na PAGLARUAN at PAGTAWANAN muna ang mga MAHIHIRAP para matulungan... maaaring gumawa ng isang ENTERTAINMENT na hindi na kailangang gawing KATAWA-TAWA... KAAWA-AWA ang isang MAHIRAP... kung gusto nila mga artista ang gamitin nilang mga kalahok at gawin rin nilang KATAWA-TAWA at parang mga TANGA tapos ang mapapanalunan ay ibigay sa mga mahihirap... iyan ang totoong pagtulong...

The reason why there is Graft and Corruption in the Government is because some of us form part of it and we allow it to happen. Just like in these game shows, there will be no game fixing if there will be no people who will let themselves be part of a grand fiasco for rating's sake. Rating for a television network means added advertising contracts, so it is not just a plain Network Rating War - it is all about ACCUMULATING MORE MONEY... and sad to say... sometimes in the expense of the POOR.

It is not between Wowowee and Eat Bulaga or Joey and Willie or even 7 and 2... the issue here is more on AUTHENTIC CHARITY versus PURE ENTERTAINMENT. They want to entertain? Then entertain without making a fool out of the Poor People. They Want to help? Then put up a Charity or a Foundation for the benefit of the Poor People!

Parang Kris-James at Ruffa-Ylmaz and issue na ito... paramihan na nanaman ng mga manonood... patagalan nanaman ng mga patalastas... yunamayan sila... tayo na-eentertain naman sa mga "palabas" nila... that is life... Wow! Bulaga! Sana ibalik ulit ang Gulong ng Palad para may pinanunuod na ulit ako maliban sa Dokyu ng singko... hehehe....

Sunday, August 26, 2007

KaBaTAaNg LinGKoD...

Ilang araw na ring dumurugo ang utak ko sa kaka-isip... hindi ko alam kung bakit... pero masakit na talaga ulo ko... dinudugo na talaga ako...

Marami akong iniisip... ngunit ang pinaka tampok rito ay ang pagbibitiw ni Binibining Pula... hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagbibitiw... ngunit hindi maalis sa aking isipan na may kinalaman ako dito... ewan ko kung bakit ko ito naiisip... pero talagang dama ko na may kinalaman ako...

Ngayon ko lamang naranasan na may magbitiw sa puwesto sa ating hanay... ang masakit pa nito ay ang tuktok mismo ang nagbitiw... nakagugulat talaga... hindi ako handa sa ganitong karanasan... maaaring hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito...

Sino ba ang nagsabi kasi na magiging madali ang pagiging Linkod... sino ba kasi ang nagsabi na mga taong ubod linis ang pagkatao lamang ang siyang may karapatang maging Lingkod... at sino rin ang nagsabi na maaaring sumuko sa laban na ating sama-samang binabaka...

HIndi madali ang maging Lingkod... sa panahon ngayon ito ay pabigat pa nga... ang dapat na ginagawa mo ngayon ay ang pagpapaganda ng sarili mong buhay... ang paghahanap ng magandang trabaho at malaking suweldo... hindi ang ilaan mo ang oras para sa iba na mas maganda pa nga ang katayuan sa buhay kesa sayo... pero eto ang pinili natin... dito tayo tinawag... eto ang alay natin para sa Kabataan... ang sila ay paglingkuran... ang unahin ang iba... ang minsang limutin ang sarili sa kapakanan ng nakararami... sino ba kasi ang nagsabi na madaling maging Lingkod...

Walang perpekto... ano ba ang tingin natin sa ating mga sarili... diyos at walang bahid ng ano mang pagkakamali... ikaw... katulad ko... at katulad rin nila ay mga mga kahinaang dala-dala... mga madilim na bahagi sa buhay... mga peklat na dulot ng mga nakaraang sugat... o di kaya'y sugat na kasalukuyan pa lamang na naghihilom... tulad mo ako rin ay isang Sugatang Manggagamot... tulad mo ako rin ay umiiyak sa aking pag-iisa at humihingi ng tulong mula sa Itaas... tulad mo ako man ay hindi perpekto... kasi wala naman talagang perpekto kundi si Hesus... sino ba kasi ang nagsabi na perpekto lamang ang pwedeng maging Lingkod...

Bakit ka susuko... ang ibig lamang sabihin nito ay walang kuwenta ang ating pinaglalaban at madaling isuko... isa pa ay wala ring kuwenta kaming mga kasama mo kasi hindi ka man lang namin natulungan sa iyong suliranin... mahina ka... pero mas mahina kami... isipin mo na lamang na mas marami kami ngunit natalo kami ngsuliraning dala mo... hindi ka man lang namin natulungan... kami ang sumuko sa laban mo... kami ang nang-iwan... sino ba kasi ang may sabi na puwedeng sumuko sa laban...

Masakit para sa akin ang nangyari... dahil bahagi kayo ng aking paglalakbay... hindi ko gustong isipin na maaaring sa panahong ako naman ang makarama ng panghihina at maka-isip na sumuko ay hindi ninyo ako matutulungang maka-ahon... masakit na malaman na susuko rin kayo... masakit na malaman na hahayaan na lamang ninyo ako na magapi ng aking suliranin... nakatatakot na pangitain...

HIndi pa huli ang lahat... may aral na mapupulot sa pangyayari na ito... sandaling huminto... manahimik... saliksikin ang ating mga sarili... ano ba ang aking nagawa upang naiwasan sana ang pangyayari... ano ba ang puwede ko ngayong gawin upang ang ano mang sugat na naidulot nito ay mabilis na mapaghilom... ano ang aking magagawa upang mapadama ko sa aking mga kasama na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga personal na laban sa buhay...

Huwag nating sayangin ang panahon... hindi binabali wala ang pagkakatong maging Lingkod sa ating kapwa Lingkod...

Thursday, August 16, 2007

LiHaM PaRA kAy PgmA...

Pangulong Gloria,

Isang mapagpalang araw po!

Pagpapala. Puno ang pamumuno mo ng pagpapala.

Pinagpala ka kasi maraming tao ang walang balak na alamin pa ang tunay na nangyari nuong Halalan ng 2004.

Pinagpala ka kasi maraming tao ang pikit matang nagsasabi na "pabayaan na natin yan para wag maging magulo."

Pinagpala ka kasi maraming tao ang napahiya dahil sinuportahan nila ang pagkakaluklok mo nung EDSA 2 kaya dahil sa kahihiyan pinili na lang nilang manahimik.

Pinagpala ka kasi may mga sangkot na Heneral sa Garci Scandal ang nanginginig ang tumbong ngayon at handang ipagtanggol ang puwesto mo wag lang silang mabisto sa napabalitang dayaan nuong Halalan ng 2004.

Pinagpala ka kasi maraming Filipino ang nagugutom at umaalis ng bansa upang maghanap ng trabaho at sila ang nagpapadala ng dolyares na nagpapatatag ng ekonomiya natin.

Pinagpala ka kasi maraming pinapatay na mga militante kaya marahil kumakaunti na ang mga nag-oorganisa sa kanayunan na nagiging dahilan naman upang humina ang hanay ng mga umaayaw sayo.

Pinagpala ka kasi marami ring namamatay na mamamahayag na nagiging dahilan upang matakot ang ilan na ilathala ang totoong kaganapan sa ating lipunan.

Pinagpapala ka ngayon mahal na pangulo, sana kami naman ang pagpalain sa mga darating na araw.

Pero tandaan po ninyo mahal na pangulo, hindi lahat ng araw ay Linggo.

Sunday, August 12, 2007

sANGuniANg kABaTAaN...

CHAPTER 8 - SANGGUNIANG KABATAAN

SEC. 423. Creation and Election. - (a) There shall be in every barangay a sangguniang kabataan to be composed of a chairman, seven (7) members, a secretary, and a treasurer.

(b) A sangguniang kabataan official who, during his term of office, shall have passed the age of twenty-one (21) years shall be allowed to serve the remaining portion of the term for which he was elected.

SEC. 424. Katipunan ng Kabataan. - The katipunan ng kabataan shall be composed of all citizens of the Philippines actually residing in the barangay for at least six (6) months, who are fifteen (15) but not more than twenty-one (21) years of age, and who are duly registered in the list of the sangguniang kabataan or in the official barangay list in the custody of the barangay secretary.

SEC. 425. Meetings of the Katipunan ng Kabataan. - The katipunan ng kabataan shall meet at least once every three (3) months, or at the call of the chairman of the sangguniang kabataan or upon written petition of at least one-twentieth (1/20) of its members, to decide on important issues affecting the youth of the barangay .

SEC. 426. Powers and Functions of the Sangguniang Kabataan. - The sangguniang kabataan shall:

(a) Promulgate resolutions necessary to carry out the objectives of the youth in the barangay in accordance with the applicable provisions of this Code;

(b) Initiate programs designed to enhance the social, political, economic, cultural, intellectual, moral, spiritual, and physical development of the members;

(c) Hold fund-raising activities, the proceeds of which shall be tax-exempt and shall accrue to the general fund of the sangguniang kabataan: Provided, however, That in the appropriation thereof, the specific purpose for which such activity has been held shall be first satisfied;

(d) Create such bodies or committees as it may deem necessary to effectively carry out its programs and activities;

(e) Submit annual and end-of-term reports to the sangguniang barangay on their projects and activities for the survival and development of the youth in the barangay ;

(f) Consult and coordinate with all youth organizations in the barangay for policy formulation and program implementation;

(g) Coordinate with the appropriate national agency for the implementation of youth development projects and programs at the national level;

(h) Exercise such other powers and perform such other duties and functions as the sangguniang barangay may determine or delegate; and

(i) Exercise such other powers and perform such other duties and functions as may be prescribed by law or ordinance.

SEC. 427. Meetings of the Sangguniang kabataan. - The sangguniang kabataan shall meet regularly once a month on the date, time, and place to be fixed by the said sanggunian. Special meetings may be called by the sangguniang kabataan chairman or any three (3) of its members by giving written notice to all members of the date, time, place, and agenda of the meeting at least one (1) day in advance. Notices of regular or special meetings shall be furnished the punong barangay and the sangguniang barangay . A majority of the members of the sangguniang kabataan shall constitute a quorum.

SEC. 428. Qualifications. - An elective official of the sangguniang kabataan must be a citizen of the Philippines, a qualified voter of the katipunan ng kabataan, a resident of the barangay for at least one (1) year immediately prior to election, at least fifteen (15) years but not more than twenty-one (21) years of age on the day of his election, able to read and write Filipino, English, or the local dialect, and must not have been convicted of any crime involving moral turpitude.

SEC. 429. Term of Office. - The sangguniang kabataan chairman and members shall hold office for a period of three (3) years, unless sooner removed for cause as provided by law, permanently incapacitated, die or resign from office.

SEC. 430. Sangguniang Kabataan Chairman. - The registered voters of the katipunan ng kabataan shall elect the chairman of the sangguniang kabataan who shall automatically serve as an ex-officio member of the sangguniang barangay upon his assumption to office. As such, he shall exercise the same powers, discharge the same duties and functions, and enjoy the same privileges as the regular sangguniang barangay members, and shall be the chairman of the committee on youth and sports development in the said sanggunian.

SEC. 431. Powers and Duties of the Sangguniang Kabataan Chairman. - In addition to the duties which may be assigned to him by the sangguniang barangay, the sangguniang kabataan chairman shall:

(a) Call and preside over all meetings of the katipunan ng kabataan and the sangguniang kabataan;

(b) Implement policies, programs, and projects within his jurisdiction in coordination with the sangguniang barangay ;

(c) Exercise general supervision over the affairs and activities of the sangguniang kabataan and the official conduct of its members, and such other officers of the sangguniang kabataan within his jurisdiction;

(d) With the concurrence of the sangguniang kabataan, appoint from among the members of the sangguniang kabataan, the secretary and treasurer, and such other officers as may be deemed necessary; and

(e) Exercise such other powers and perform such other duties and functions as may be prescribed by law or ordinance.

SEC. 432. Sangguniang Kabataan Secretary. - The sangguniang kabataan secretary shall :

(a) Keep all records of the katipunan ng kabataan and sangguniang kabataan;

(b) Prepare and keep the minutes of all meetings of the katipunan ng kabataan and sangguniang kabataan;

(c) Prepare all forms necessary for the conduct of registrations, elections, initiatives, referenda, or plebiscites, in coordination with the barangay secretary and the Comelec; and

(d) Perform such other duties and discharge such other functions as the chairman of the sangguniang kabataan may prescribe or direct.

SEC. 433. Sangguniang Kabataan Treasurer. - The sangguniang kabataan treasurer shall:

(a) Take custody of all sangguniang kabataan property and funds not otherwise deposited with the city or municipal treasurer;

(b) Collect and receive contributions, monies, materials, and all other resources intended for the sangguniang kabataan and katipunan ng kabataan;

(c) Disburse funds in accordance with an approved budget of the sangguniang kabataan;

(d) Certify to the availability of funds whenever necessary;

(e) Submit to the sangguniang kabataan and to the sangguniang barangay certified and detailed statements of actual income and expenditures at the end of every month; and

(f) Perform such other duties and discharge such other functions as the chairman of the

SEC. 434. Privileges of Sangguniang Kabataan Officials. - The sangguniang kabataan chairman shall have the same privileges enjoyed by othersangguniang barangay officials under this Code subject to such requirements and limitations provided herein. During their incumbency, sangguniang kabataan officials shall be exempt from payment of tuition and matriculation fees while enrolled in public tertiary schools, including state colleges and universities. The national government shall reimburse said college or university the amount of the tuition and matriculation fees: Provided, That, to qualify for the privilege, the said officials shall enroll in the state college or university within or nearest their area of jurisdiction.

Wednesday, August 1, 2007

kiLLinG oUr hERoeS...

I have heard about this in our local news... but the information I get from reports says that the OFWs entered Iraq illegally... that's it!

But according to this US Senate Oversight Committee Hearing it's a different story...

I do not have anything against OFWs who goes abroad for financial reasons... what I hate is when OFW goes out of the country illegally... but the story we heard is a different thing... they were there in Iraq working to construct the US Embassy against their will!... or it is more correct to say that they were brought to Iraq against their will!... and they are working for the Americans whom we consider as friends!

As ordinary citizens we may not know what the real story is... but mind you fellow Filipinos... I think our Government will never mind also to find out the truth... we will be fed with information that is beneficial to the US-Philippine relations... truth denied for friendship's sake!

You may say that I am already making my conclusion... and I am sorry... we had so many experiences in the past that made me think this way... our Government is ready to give up our sovereignty for friendship's sake... remember the VFA that was put to test with the rape of a Filipina by an American servicemen?

Our Government now is faced with the problem of choosing between protecting the interest of its citizen and protecting the US-Philippine relation... I will ask you... what will our Government choose?

Ikaw na ordinaryong Filipino na katulad ko... ano ang pipiliin mo... baka mas concern pa ang dayuhan kaysa sa atin... nakakahiya naman tayo...