Ilang araw na ring dumurugo ang utak ko sa kaka-isip... hindi ko alam kung bakit... pero masakit na talaga ulo ko... dinudugo na talaga ako...
Marami akong iniisip... ngunit ang pinaka tampok rito ay ang pagbibitiw ni Binibining Pula... hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagbibitiw... ngunit hindi maalis sa aking isipan na may kinalaman ako dito... ewan ko kung bakit ko ito naiisip... pero talagang dama ko na may kinalaman ako...
Ngayon ko lamang naranasan na may magbitiw sa puwesto sa ating hanay... ang masakit pa nito ay ang tuktok mismo ang nagbitiw... nakagugulat talaga... hindi ako handa sa ganitong karanasan... maaaring hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito...
Sino ba ang nagsabi kasi na magiging madali ang pagiging Linkod... sino ba kasi ang nagsabi na mga taong ubod linis ang pagkatao lamang ang siyang may karapatang maging Lingkod... at sino rin ang nagsabi na maaaring sumuko sa laban na ating sama-samang binabaka...
HIndi madali ang maging Lingkod... sa panahon ngayon ito ay pabigat pa nga... ang dapat na ginagawa mo ngayon ay ang pagpapaganda ng sarili mong buhay... ang paghahanap ng magandang trabaho at malaking suweldo... hindi ang ilaan mo ang oras para sa iba na mas maganda pa nga ang katayuan sa buhay kesa sayo... pero eto ang pinili natin... dito tayo tinawag... eto ang alay natin para sa Kabataan... ang sila ay paglingkuran... ang unahin ang iba... ang minsang limutin ang sarili sa kapakanan ng nakararami... sino ba kasi ang nagsabi na madaling maging Lingkod...
Walang perpekto... ano ba ang tingin natin sa ating mga sarili... diyos at walang bahid ng ano mang pagkakamali... ikaw... katulad ko... at katulad rin nila ay mga mga kahinaang dala-dala... mga madilim na bahagi sa buhay... mga peklat na dulot ng mga nakaraang sugat... o di kaya'y sugat na kasalukuyan pa lamang na naghihilom... tulad mo ako rin ay isang Sugatang Manggagamot... tulad mo ako rin ay umiiyak sa aking pag-iisa at humihingi ng tulong mula sa Itaas... tulad mo ako man ay hindi perpekto... kasi wala naman talagang perpekto kundi si Hesus... sino ba kasi ang nagsabi na perpekto lamang ang pwedeng maging Lingkod...
Bakit ka susuko... ang ibig lamang sabihin nito ay walang kuwenta ang ating pinaglalaban at madaling isuko... isa pa ay wala ring kuwenta kaming mga kasama mo kasi hindi ka man lang namin natulungan sa iyong suliranin... mahina ka... pero mas mahina kami... isipin mo na lamang na mas marami kami ngunit natalo kami ngsuliraning dala mo... hindi ka man lang namin natulungan... kami ang sumuko sa laban mo... kami ang nang-iwan... sino ba kasi ang may sabi na puwedeng sumuko sa laban...
Masakit para sa akin ang nangyari... dahil bahagi kayo ng aking paglalakbay... hindi ko gustong isipin na maaaring sa panahong ako naman ang makarama ng panghihina at maka-isip na sumuko ay hindi ninyo ako matutulungang maka-ahon... masakit na malaman na susuko rin kayo... masakit na malaman na hahayaan na lamang ninyo ako na magapi ng aking suliranin... nakatatakot na pangitain...
HIndi pa huli ang lahat... may aral na mapupulot sa pangyayari na ito... sandaling huminto... manahimik... saliksikin ang ating mga sarili... ano ba ang aking nagawa upang naiwasan sana ang pangyayari... ano ba ang puwede ko ngayong gawin upang ang ano mang sugat na naidulot nito ay mabilis na mapaghilom... ano ang aking magagawa upang mapadama ko sa aking mga kasama na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga personal na laban sa buhay...
Huwag nating sayangin ang panahon... hindi binabali wala ang pagkakatong maging Lingkod sa ating kapwa Lingkod...
Sunday, August 26, 2007
KaBaTAaNg LinGKoD...
Ipinatak ni macario sakay sa ganap na 7:16 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Bilib talaga ako sa'yo! Nawa'y marami pa ang taong tulad mo! Nawa'y wag magsawa ang mga kabataang makinig at matuto sa'yo! Mabuhay ka kaibigan!
Post a Comment