Google

Saturday, March 1, 2008

piNaKbeT pARa sA kaTOtoHAnAn...

Lutong Ilokano na katatagpuan ng ibat-ibang klase ng gulay.

Iyan ang nakita ko nuong nakaraang Biyernes sa Makati. Ibat-ibang grupo, ibat-ibang ideyalismo, ibat-ibang opinyon tungkol sa usaping garapalang korupsyon.

Naging pinakbet ang araw na iyon dahil sa nagkakaisang panawagan upang ilabas ang katotohan at ang pagbabalik ng integridad sa paglilingkod bayan.

Pula, asul, dilaw, itim, berde, at ibang kulay pa na sumasalamin sa ibat-ibang katipunan ng kaisipan at idelohiya. Bihira itong mangyari sa mga katulad nitong organisadong pagkilos.

Ang ganitong mga organisadong pagkilos ay kadalasang iisang kulay lamang ang iyong makikita, iisang tono ng boses ang iyong maririnig, iisang daloy ng kaisipan ang iyong mapakikinggan, at depende sa kulay, nagkaka-isa ring nag-aalab na damdamin ang iyong madarama.

Ang mga naunang People Power ay hindi mga organisadong pagkilos kung kaya’t hindi inaasahang mauwi sa isa nanamang People Power ang kilos nuong Biyernes. Naisin man ng marami na manatili sa Makati at umasang dumami pa lalo ang tao, ito ay hindi mangyayari.

Ngunit ang dalawang naunang People Power ay sinimulan rin sa mga ganitong mga pagkilos. Mga pagkilos na gumulong sa lansangan patungo sa kalayaan at katarungang inasam. Iyan rin ang inaasahang maging resulta ng mga pagkilos sa mga darating pa na araw.

Umaasa ang mga naghahanap sa katotohanan na ito ay tuluyang matagpuaan sa dulo ng paglalakbay na ito. Abutin man ng 2010 ang paghahanap ay huwag tayong bibitiw. Sisingilin natin ang mga nagkasala sa atin kahit wala na sila sa kapangyarihan. At sa pagkakataong ito ay hindi na natin papayagang gamitin nila sa pamumulitika at baliwalain ang katarungang ating makakamtan. Sisiguraduhin na na nating kanilang pagdurusahan sa loob ng kulungan ang kanilang mga kasalanan!



1 comment:

Anonymous said...

You seem to be a very good writer so I'm sure you will have no proplem hearing other perspective.
Here's how I see this, I know you're a catholic so I'm sure you will have strong opninion against what I'm about to say, but please this is not to insult but to offer a different perspective.
Here it is.
Corrupt theology leads to corrupt morality.
case in point, Edsa 1, was attributed to Mary, the Catholic Church, and the priests and nuns, and not to God, and to make sure people know that the Catholics were the once who made the EDSA I revolt possible, they built not the cross, but the image of Mary that towers over the edsa shrine.
But I have to admit that the catholic church seem to have realized their true role in society, and it is not political but moral, it is spiritual and not material, but still, unless the false teachers who are humanists who have hijacked the catholic faith and made the pope and mary as the center figure of the church, I believe unless this is corrected and other influential there is no other hope for this country.
(I know you might disagree with this because, the Catholic church mentions something about Jesus and perform rituals about Him just enough to hide its inacurate theology).

If you're wondering what does right theology got to do with anything? You've proven my point.
If our undestanding of God and the truth is irrelevant, well then justice, morality and accountablity is also irrelevant, hence should not be expected.


salamat,