Google

Tuesday, November 27, 2007

2007 CE Board Retake....

Share ko lang po sa inyo ang post ng isang Kabataang Filipino Forum member...


Isinulat ko po ang mga ito, in line with the nov. 2007 CE board retake. Sana po ay maipaabot natin sa mas nakakarami ang mensahe na ito upang pati sila ay maliwanagan. Salamat po
======
Sa aking mga kasamang CE,

Ang pinalabas ng PRC na advisory ay isang insulto, at isang malaking panloloko upang mapagtakpan lamang ang kanilang kamalian. Bakit ko nasabi? Nais ko sanang ipaliwanang.

Unang una ang statement na "Sobrang taas ng score sa Hydro at Desgn"

Kung ating iisipin, iniinsulto ang kakayahan natin ng pagsagot ng mga problema sa board exam ng statement na ito... bakit?

Kailan pa naging mali ang magkaroon ng madaming mataas na score? Kung ganoon ba dapat ba na walang makasagot ng exam nila para masabing "VALID" ito? Kung ganoon pala, ano pa ang silbi ng pagaaral natin kung nakadisenyo din pala ang exam na ito para hindi tayo "MAKAKUHA NG MATAAS NA SCORE". Kahit saan natin tingnan WALA SA ATIN ANG KAMALIAN DAHIL IBINIGAY NILA ANG EXAM, AT SINAGUTAN NATIN. MADAMING MATAAS ANG SCORE HINDI BA TAMA LANG NA SABIHIN NILANG MAHUSAY ANG KINALABASAN AT HINDI SABIHING "MALAMANG AY MAY DAYAAN"? Anong klaseng pag-iisip o kaisipan yan?

Pangalawa, "Dalawa sa mga nag take ang nahulihan ng cellphone"

Oo isang malaking possibility ito, pero nakasaad sa guidelines ng PRC ay: "KUNG MAY MAHULIHAN NG CELLPHONE AUTOMATIC NA BAGSAK NA SILA AT KAILANMAN AY DI NA MAKAKA TAKE NG EXAM"

Mga kasama, wag tayong magpadala sa emosyon.

Kung makikita nyo ang statement na ito, at aanalisahin, makikita nyong pinapalabas nilang dahil sa dalawang yun ay kailangan nating mag retake? ulitin nyo ang pagbasa sa huling sentence ko... Mali hindi ba? contradicting na sa unang pahayag sa GUIDELINES nila, bukod dito, dalawa yun sa 3000 o mas madami pang nag take ng board exam sa buong Pilipinas, kailan naging FACTOR ang DALAWA sa TATLONG LIBO O MAS MADAMI PA?

Ang tanging ginawa nila dito ay makuha ang emosyon natin at may mapagbalingan ng galit. Magandang strategy, pero CIVIL ENGINEER TAYO, MARUNONG TAYO MAG ANALYZE. Wag tayong magpadala sa emosyon natin, pagaralan ang mga bagay bagay. Mali ang pangalawang statement na ito, bukod pa dito, malaki ang pakiramdam ko na gawa gawa lamang nila ito upang masabi nating "oo kailangan nating mag retake dahil sa dalawang yun..." kita nyo na? ang masasabi ko, HINDI TAYO TANGA PARA MANIWALA.

Uulit ulitin ko, hindi na tayo grade one at HINDI KAILAN MAN NAGING GROUP EFFORT ANG BOARD EXAM, KUNG DALAWA LANG ANG NAHULI NILA, WALA SILANG KARAPATAN NA I DEPRIVE ANG MAS NAKAKARAMI SA TAMA LAMANG AT PINAGHIRAPAN NA SA ATIN. HINDI ITO CASE NG KASALANAN NG ISA, KASALANAN NG LAHAT.

Kahit sa korte natin pag usapan ito, siguradong panalo tayo.

Mga kaibigan, at kasamang CE, huwag payagan ito, hindi kailanman natin naging kasalanan ang kamalian ng mga examiners. Kung madali ang binigay na exam, sila ang dapat magsisihan. Hindi dapat ibato sa atin ang kamalian at I MISLEAD ang emosyon natin sa pagsasabi ng kung ano ano pang explination para lamang mag retake tayo.

Wag magpadala sa emosyon at matutuhan ang salitang "READ BETWEEN THE LINES" Engineer tayo, hindi tayo mangmang na tao na sasang ayon lamang sa kung ano ang sabihin sa atin, dahil may kakayahan tayong mag-isip.

Ianalyze nyo ng mabuti ang statement ng PRC na iyan at madami kayong makikitang butas. Ang mga nakita ko ay konti o maliit lamang sa maaring makita ng mas madami. Hanapin natin ang katotohanan at wag payagan ang pang iinsultong ito.

Sana'y ipakalat natin ang sulat na ito sa mga site, blogs o e-mail sa ating mga kapatid na CE para mabuksan din ang kanilang kaisipan sa mga nangyayaring maaring hindi rin nila nauunawaan... Gawin nating isa ang ating galaw upang mas malakas at mas malawak ang ating mga magiging pag kilos.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at patnubayan tayo ng Maykapal.

No comments: