Google

Saturday, November 10, 2007

siLaNg mGA pASaWay...

Nuong Mayo ng taong kasalukuyan, kasama ang ilang mga Lingkod Kabataan ay tinahak namin isang kabundukan sa Bulacan upang magbigay ng paghuhubog sa ilang mga kabataan. Isang grupo ng mga kabataan na mixed fruits kung titingnan. Kasi extremes ang kanilang mga pinagmulan. Mula sa mga naka-aangat sa buhay at mula sa mga hikahos sa buhay. Ngunit may pagkakatulad naman sila, sila nga ay mga prutas, kaya nga mixed fruits eh... kulit ko noh.

Pero bakit naging Prutas?

Balikan muna natin yung ilang araw na iyon nuong nakaraang buwan ng Mayo. Naalala ko pa ate Charo. Grrrr.... serious na po... sensya na.

Ayaw ko naman na patulugin kayo sa isang mahabang kuwento. Simplehan ko lang at tutumbukin ko ang nais ko na iparating na mensahe sa inyo.

Kabataan... may magagawa ka... may pakinabang ka!

Alam nyo ba na ilan sa mga nakaharap naming kabataan nuong Mayo ay batbat ng problema sa buhay. Akala mo pinagsukluban na sila ng langit at lupa. Mga kabataang kung umasta akala mo siga pero sa kaibuturan ng puso nagdurugo rin pala. Mga kabataan na kung pumorma akala mo ang tatapang pero kung lumuha daig pa si Juday. Sila yung mga pilit na sumasabay sa uso kahit na yung ipinanagngalandakan nilang uso ay binabayaran ni nanay at tatay kay bumbay. Mga estudyanteng wala sa eskuwelahan. Mga mag-aaral na hindi naman nag-aaral. Ito ang kuwento ng ilan sa kanila na aking nais ibahagi sa inyo.

"Ate...kuya... gusto ko po mag-aral pero hindi po kami kayang pag-aralin ni nanay at tatay"

"Ate... kuya... kaya lang naman po kami madalas tumambay kasi kung nasa loob kami ng bahay puro away lang naririnig namin"

"Ate... kuya.. gusto ko pong makatulong sa amin kaya sumasama ako sa pagtitinda kahit na madalas hindi ako nakakapasok sa school."

"Ate... kuya... buti pa dito sa grupo namin may pumapansin sa amin kasi si Mama at Papa parati naman wala sa bahay eh."

"Ate... kuya... kailangan lang namin ng pansin at pagkalinga... hindi awa kundi pang-unawa..."

"Ate... kuya... hindi naman po ata ako mahal ng nanay at tatay ko eh..."

"Ate... kuya... eto na ako at ganito na talaga ako kahit sa pagtanda ko..."

"Ate... kuya... bakit pa diba?"

Sila ang mga kabataan na kung hindi mo pakikinggan ang mga kuwento sa pamamagitan ng iyong puso ay talagang sasabihin mo na walang kinabukasan. Mga biktima ng walang paki-alam na lipunanan na kadalasan pa nga ay mapangutya at mapanghusga. Mga kabataang ninanakawan ng kinabukasan dahil walang nais na makinig sa mga kuwento nila. Sila yung mga kabataan na nakikita ninyo ngayon sa inyong kapaligiran... mga pasaway... animo ay walang patutunguhan...

Well people sorry to tell you but what I've witness earlier eh sablay ang pagiging mga intelehente at pagiging edukado natin. Sila yung mga kabataang pasaway nuong Mayo na kanina ay mga kabataang mas may pakinabang pa sa karamihan ng mga kabataan na matatagpuan dito sa Multiply!

Sila ngayon ay ginagamit na instrumento sa pagpapalaganap ng mga positibong mensahe sa pamamagitan ng teatro. Mga mensahe na tumatagos sa kaibuturan ng puso ng mga manonood dahil ang pinaghuhugutan nila ng mga mensaheng ito ay ang kanilang mga sariling karanasan. Mga dating pasaway na ngayon ay may disiplina at ipinagmamalaking talento. Mga kabataang inakala na ang sarili nila ay wala ring pakinabang na ngayon ay taas nuong nagsasabing... "Ate... kuya... kaya ko pala..."

Marami pa ang katulad nila ang ngayon ay naghihintay lamang ng isang pusong makikinig sa kanilang mga kuwento. Mga bisig na aakay sa kanila upang maipagpatuloy ang laban ng buhay. Hindi nila kailangan ang ating mga batikos at pagpuna... o ang ating awa at mga luha... mas kailangan nila ang ating presensya.

Eh anong kinalaman naman ng Prutas? May pa-mixed-mixed fruits pa ako sa umpisa...

Sa akin na lang iyon... maging Lingkod ka rin at malalaman mo ang ibig kong sabihin... basta ang masasabi ko lang ay ito... "salamat... ginamit mo ako... sige pa po... maghasik pa po tayo ng punla upang may maani sa mga panahong darating pa..."

Kung inantok ka eh sabay na tayong matulog... inaantok na rin ako... good night... sweet dreams... sleep tight... I love you... muah!

1 comment:

silence said...

tama ka sa mga sinabi mo at mga salitang inihatid para sa mga nagbabasa nito.
- meliza (marikina)