Google

Thursday, January 3, 2008

rESikLo... paG-AsA nG mgA tAGa LupA

Maganda yung pamagat ng pelikula ni Bong Revilla pero dahil wala akong tiwala sa mga pelikulang "commercialized" ay hindi ko tinangka man lang na basahin kung tungkol saan ang pelikulang ito. Ang tanga ko talaga kasi hindi ko alam na ito pala ang translation ng Recycling sa Filipino (hindi ko pa ito na-double check kung tama).

Magandang mensahe sa pagbubukas ng bagong taon, sana nga lang ay naunawaan ng mga manonood ang mensahe na ito. Baka kasi ang manatili sa isip nung mga bata na nanood ay yung mga robot at mga well choreograph fight scenes (well choreograph nga ba?)

Bakit ba napasok sa resiklo ang utak ko?

May binabasa kasi akong aklat na ang tema ay tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Isa sa binigyang diin sa aklat na ito ay ang tungkol sa recycling. Ano ang kaugnayan ng recycling sa kinabukasan ng ating Inang Kalikasan.

Madalas na nating marinig ang tungkol sa recycling pero kaunti lang sa atin ang totohanang ginagawa ito. Hindi kasi natin nakikita ang magandang naidudulot ng payak na pagre-resiklo.

Alam ngunit hindi nakikita.

Ito siguro ang problema kung bakit hindi nagiging matagumpay ang mga programa tungkol sa recycling. Alam natin na dapat itong gawin at alam natin kung paano ito gagawin kaya lang hindi natin agad nakikita ang resulta ng mga ginagawa natin.

Bakit nga ba parang hindi nagbubunga yung mga simpleng ginagawa nating recycling?

Baka kasi iniisip natin na dapat tayo ang unang makikinabang sa ginagawa nating pagre-resiklo?!

Recycling is a process at kung ito ay proseso siguradong ito ay kakain ng panahon bago mo makita ang positibong epekto. Hindi puwedeng itabi mo ngayon ang mga plastic bags mo at giginhawa na buhay mo. Hindi mo rin makikita ang paglagong muli ng ating kagubatan kung mag-recycle tayo ng papel sa ating mga opisina.

Ano nga bang pakinabang ng isang tao kung ipunin niya ang lahat ng mga plastic bags o paper bags at gamitin ulit ito? Mas makikinabang pa nga ang mga dambuhalang shopping malls kasi mababawasan ang production cost nila kasi nagagamit ulit yung mga naibigay na nila before. Hindi ka kikita ng malaki sa pag-iipon ng plastic bags or paper bags puwera na lang kung junk shop business mo or recycling talaga ang magiging business mo. Pero ano nga bang pakinabang ng isang tulad ko sa recycling?

Kung ganyan nga ang ating iisipin siguradong walang mararating ang recycling programs natin. Kung sariling kapakinabangan lang ang ating iisipin siguradong sablay nga ito.

Ang recycling ay hindi para sa mga gahaman. Ang recycling ay hindi para sa mga makasarili. Ang recycling kasi ay para sa kinabukasan ng mga hindi pa ipinapanganak ngayon. Ang recycling ay para sa kapakanan ng ibang tao.

Kung hindi ka marunong mag-recycle siguradong tamad ka at wala kang paki-alam sa kapakanan ng ibang tao! Marahas na pananalita pero totoo.

Malaki ang puwedeng maging pakinabang natin sa recycling. Bigyan ko kayo ng halimbawa.

Nuong nakaraang Pasko ilang regalo ang inyong natanggap na naka lagay sa paper bags? Ilan sa inyo ang inipon ito? Bakit naman dapat itong ipunin at itago? Para sa susunod na Pasko ito naman ang gagamitin mo para sa mga ipamimigay mo na regalo. Walang halaga kang makukuha ngayon diba? Hindi nadagdagan laman ng pitaka mo pero sa darating na Pasko ang inipon mo na paper bag siguradong magagamit mo ulit at makatitipid ka sa gastos mo.

Iyan ay pagtitipid at sariling pakinabang ang nasa isip lang natin pero malaking tulong rin ito sa ating kagubatan kasi hindi na kailangan pang magpatumba ng puno upang igawa ka ng paper bag.

Sa halagang P25 nakatipid ka na at nakatulong pa sa kalikasan. Ayaw mo pa ba nun? Eh ano pa kaya kung yung mga pinambalot sa regalo ay ipunin mo rin at muling gamitin sa darating na Pasko?

Kung kaya nung iba siguradong kaya rin natin!

Tayo na sa Paraiso at mag-Resiklo!

1 comment:

aleida said...

wag na rin tayo magtakeout sa fast fud kung styro din ang gagamitin AS MUCH AS POSSIBLE... hehe as much as possible kainin na natin sa loob kasi at least sa loob hindi na sila guamgamit ng styro mga tunay na plato na... hays kawawa na rin kasi talaga ang kalikasan natin... dapat makaisip na ng mga alternatibo...

bisitahin mo ako sa bagong blogsite ko kuya---

www.syotanijuan.blogspot.com
(medyo political)

www.pabulanigumamela.blogspot.com
(inspirational)

kilala mo ako porsyur hehe... kalakbay!