Maganda yung pamagat ng pelikula ni Bong Revilla pero dahil wala akong tiwala sa mga pelikulang "commercialized" ay hindi ko tinangka man lang na basahin kung tungkol saan ang pelikulang ito. Ang tanga ko talaga kasi hindi ko alam na ito pala ang translation ng Recycling sa Filipino (hindi ko pa ito na-double check kung tama).
Magandang mensahe sa pagbubukas ng bagong taon, sana nga lang ay naunawaan ng mga manonood ang mensahe na ito. Baka kasi ang manatili sa isip nung mga bata na nanood ay yung mga robot at mga well choreograph fight scenes (well choreograph nga ba?)
Bakit ba napasok sa resiklo ang utak ko?
May binabasa kasi akong aklat na ang tema ay tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Isa sa binigyang diin sa aklat na ito ay ang tungkol sa recycling. Ano ang kaugnayan ng recycling sa kinabukasan ng ating Inang Kalikasan.
Madalas na nating marinig ang tungkol sa recycling pero kaunti lang sa atin ang totohanang ginagawa ito. Hindi kasi natin nakikita ang magandang naidudulot ng payak na pagre-resiklo.
Alam ngunit hindi nakikita.
Ito siguro ang problema kung bakit hindi nagiging matagumpay ang mga programa tungkol sa recycling. Alam natin na dapat itong gawin at alam natin kung paano ito gagawin kaya lang hindi natin agad nakikita ang resulta ng mga ginagawa natin.
Bakit nga ba parang hindi nagbubunga yung mga simpleng ginagawa nating recycling?
Baka kasi iniisip natin na dapat tayo ang unang makikinabang sa ginagawa nating pagre-resiklo?!
Recycling is a process at kung ito ay proseso siguradong ito ay kakain ng panahon bago mo makita ang positibong epekto. Hindi puwedeng itabi mo ngayon ang mga plastic bags mo at giginhawa na buhay mo. Hindi mo rin makikita ang paglagong muli ng ating kagubatan kung mag-recycle tayo ng papel sa ating mga opisina.Ano nga bang pakinabang ng isang tao kung ipunin niya ang lahat ng mga plastic bags o paper bags at gamitin ulit ito? Mas makikinabang pa nga ang mga dambuhalang shopping malls kasi mababawasan ang production cost nila kasi nagagamit ulit yung mga naibigay na nila before. Hindi ka kikita ng malaki sa pag-iipon ng plastic bags or paper bags puwera na lang kung junk shop business mo or recycling talaga ang magiging business mo. Pero ano nga bang pakinabang ng isang tulad ko sa recycling?
Kung ganyan nga ang ating iisipin siguradong walang mararating ang recycling programs natin. Kung sariling kapakinabangan lang ang ating iisipin siguradong sablay nga ito.
Ang recycling ay hindi para sa mga gahaman. Ang recycling ay hindi para sa mga makasarili. Ang recycling kasi ay para sa kinabukasan ng mga hindi pa ipinapanganak ngayon. Ang recycling ay para sa kapakanan ng ibang tao.
Kung hindi ka marunong mag-recycle siguradong tamad ka at wala kang paki-alam sa kapakanan ng ibang tao! Marahas na pananalita pero totoo.
Malaki ang puwedeng maging pakinabang natin sa recycling. Bigyan ko kayo ng halimbawa.
Nuong nakaraang Pasko ilang regalo ang inyong natanggap na naka lagay sa paper bags? Ilan sa inyo ang inipon ito? Bakit naman dapat itong ipunin at itago? Para sa susunod na Pasko ito naman ang gagamitin mo para sa mga ipamimigay mo na regalo. Walang halaga kang makukuha ngayon diba? Hindi nadagdagan laman ng pitaka mo pero sa darating na Pasko ang inipon mo na paper bag siguradong magagamit mo ulit at makatitipid ka sa gastos mo.
Iyan ay pagtitipid at sariling pakinabang ang nasa isip lang natin pero malaking tulong rin ito sa ating kagubatan kasi hindi na kailangan pang magpatumba ng puno upang igawa ka ng paper bag.
Sa halagang P25 nakatipid ka na at nakatulong pa sa kalikasan. Ayaw mo pa ba nun? Eh ano pa kaya kung yung mga pinambalot sa regalo ay ipunin mo rin at muling gamitin sa darating na Pasko?
Kung kaya nung iba siguradong kaya rin natin!
Tayo na sa Paraiso at mag-Resiklo!
Thursday, January 3, 2008
rESikLo... paG-AsA nG mgA tAGa LupA
Ipinatak ni
macario sakay
sa ganap na
6:19 PM
1 Tagahanga
Tuesday, January 1, 2008
Para maiba naman...
Pumasok ang bagong taon na may sakit ako. Mabuti na lang hindi ako naniniwala sa mga pamahiin kasi ang lungkot naman ng buhay ko kung buong taon may sakit ako.
Pero hindi naman bago sa akin ang pagkakaroon ng sakit tuwing dumarating ang kapaskuhan at ang pagpasok ng bagong taon. Nag-aaral pa lamang ako parati na akong nagkakasakit sa ganitong panahon.
Ang nakikita kong dahilan ay over fatigue. Bago pa lang dumating ang pasko sagad na ang katawan ko sa pagod. Bumigay na nga ang katawan ko nuong isang araw at naramdaman ko ito pauwi ako ng bahay galing ng SM North Edsa bandang 9PM. Pero dahil sa parang nakasanayan ko na nga ang pagkakasakit hindi ko ito pinansin at gumala pa rin kinabukasan at nagtungo naman ako ng SM Fairview. Bago pa lang ako makasakay ng jeep alam ko na na nilalagnat na ako pero tumuloy pa rin ako. Dahil sa abusong natamo ng aking katawan dumating ako ng bahay na may mataas na lagnat.
Bumili ako ng gamot kahit hindi ako sanay na uminom ng gamot. Sa aking isip alam ko na hindi ako puwedeng magkasakit kasi Media Noche na at ako ang magluluto. Ipinahinga ko lang ng buong hapon ang lagnat ko. Hindi ito nawala ngunit alam ko naman na kaya ko ang aking katawan. Naupo na lang ako sa harap ng computer at hinintay ang oras para sa pagluluto ng pagsasaluhan namin bilang pagsalubong sa bagong taon.
10:30PM inumpisahan ko na ang pagluluto. Wala pang hating gabi ay tapos na kaming kumain at naghihintay na lamang sa isang maingay na pagsalubong sa bagong taon. Sa mga oras na ito talagang dama ko na ang mataas na lagnat. Kaya lang talagang ibang klase ako sa pagdadala ng lagnat. Ako lang ang miyembro sa pamilya na hindi kinukumbulsyon kahit mahigit 40 na ang lagnat. Naalala ko na ang mga pinsan ko nakakakita na ng mga lumilipad kahit 39 pa lang ang lagnat. Sa maikling salita sinalubong ko ang bagong taon na may mataas na lagnat.
Gumising ako kanina pasado 10AM na para lang maipahinga ko ng husto ang katawan ko. Pero hindi pa rin ito nangyari kasi habang nagluluto ako ng aking kakainin ay nagdatingan na ang ang aking kapatid kasama ang kanyang mga anak. Luto nanaman ako para sa pananghaliaan naming lahat. Hindi pa ako nakakalahati sa pagluluto may dumating na mga bisita ang kapatid ko. Alam nyo na ang nangyari, humaba pa ang aking pagluluto.
Natapos ang pananghalian namin na nilalagnat pa rin ako. Pagkatapos ko uminom ng gamot balik na ako sa hingaan. Ngayon may lagnat pa rin ako ngunit nararamdaman ko na iiwan na rin ako nito pagkatapos ng gabing ito.
Paano ko kaya maiiwasan ang ganitong kalagayan sa mga darating na panahon? Kung over fatigue ang nakikita kong dahilan eh kaya ko bang hindi magpagod tuwing darating ang kapaskuhan? Parang malabo na mangyari yun. Siguro mas bibigyan ko ng pansin ang pagkakaroon ng isang healthy na lifestyle ngayong 2008.
Inaamin ko na hindi ako isang health buff. Ang exercise ko lang ay yung paglalakad ko papasok ng opisina tuwing umaga. Maliban dun wala na akong exercise sa katawan. Mas marami siguro akong magagawa kung healthy ang pangangatawan ko. Kai minsan ang dahilan ng hindi ko pagganap sa isang mahalagang gawain ay ang nararamdaman kong pagod sa katawan.
Korek! New year's resolution ko ang pagkakaroon ng isang healthy lifestyle! Para maiba naman.
Ipinatak ni
macario sakay
sa ganap na
12:00 AM
1 Tagahanga
