Google

Thursday, November 29, 2007

hiNDi kA sANg-aYOn...pAaNo bA dAPaT

Dumiskarte nanaman si Trillanes at tulad ng nauna niyang diskarte ay napatunayan na kapos nanaman ang kanyang "pisi."

Naging mas matikas ang diskarteng ginawa ng mga Heneral ni GMA. Imbis na Military action ay PNP ang ginamit. Bakit? Dahil hindi totoong hawak nila ang suporta ng buong Hukbong Sandatahan natin. Walang ginamit na Militar sa pagkuha kina Trillanes kasi alam nila na posibleng bumaliktad ang ano mang sangay ng Militar na ipadadala nila sa Manila Peninsula.

Ngunit sobra ang lungkot ko dahil may mga kaibigan ako na ngayon ay naka-ditene sa Camp Crame dahil nasa Manila Peninsula sila kahapon. Mga kaibigan na hindi kayang tawaran ang katapatan sa paglilingkod sa kapwa at bayan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayon sa kanila. Umaasa na lamang ako na hindi sila tratuhin na parang mga Kriminal. Sila ay mga ordinaryong mamamayan na nagnanais lamang na alamin ang katotohanan. Sila ang iilan na tumitindig sa kanilang pinaniniwalaan.

Masasabi ko na nadamay sila sa "kapos na pising" diskarte ni Trillanes. Wala silang alam sa mga nangyari. Sila man ay nagulat sa mga naganap kahapon. Pero bakit sila napadpad sa Manila Peninsula at nanatili kung nadamay lamang sila?

Tulad ko marahil ay inisip nila na ito na ang Huling Hirit upang mapalayas ang isang corrupt na leader at ang kanyang asawa sa Malacanang sampu ng kanilang mga alipores. Maaring naubusan na rin sila ng iba pang paraan para imulat ang mga pikit na mata ng mamamayan sa mga nagaganap na kurakutan sa palasyo ni Gloria.

Pero hindi pa tapos ang kanilang laban. Maaring makulong sila ngunit hindi kayang igapi ng rehas na bakal ang nagsusumigaw nilang damdamin. Maikakadena nila ang kanilang buong katawan ngunit hindi ang kanilang mga pinaniniwalaan. Narito pa kami upang ituloy ang laban... kailangang singilin si Gloria sa kanyang panloloko sa Bayan... inumpisahan nila... itutuloy namin hanggang sa pagkatapos ng 2010... tandaan mo Gloria... DI KA NAMIN TATANTANAN!

No comments: