Google

Monday, October 22, 2007

pAghAHanaP sA kATotoHAnaN...

I like to share to you a statement made by the Catholic Bishops of the Philippines regarding the alleged bribery or gift giving that happened in Malacanang recently. The issue was overshadowed by the Glorietta 2 explosion, GMA may call it a blessing in disguise, but we must not lose focus on the issue of corruption. We are not here looking for faults, all we ask is for the truth to come out. Among Ed Panlilio was quoted to have said the other day that the "gift giving" could be an illegal disbursement of public funds. As a tax payer I really want to know the truth, my hard earned money need not be used as "gifts" to elected officials, without proper documentations. I do not have anything against my tax being used to develop the countryside or my barangay, only if the disbursement is proper and legal. I remember the days when I was still a field technician, we are allowed to re-imburse transportation expenses provided we file a report a summary of the expenses we made. If for a 50 pesos transportation expenses I was made to make a report, then Public Officials should also make proper report on how and where they got the funds and where and how they have spent it. It is easy to say that the "gift" given away by Malacanang was to be used for the benefit of the People. How sure are we that it is going to be used for such? We do not have any way of checking if you will use the "gift" properly, because in the first place, the "gift" is not recorded being received and being given away, and up to know the source of the money is far from being known. You may not have the same take in this issue as mine. But the fact still remains, "paper bags containing money was given away as gift after a meeting with the President." You may say that no proof can be found that indeed the money came from the President, you're maybe right, but nothing also points to anything that would say that the "gift giving" is properly documented, legal, and moral. All that remain consistent with those who have received the "gift" is this, "it is for their development fund." If so, don't you think it should be properly documented?

Regalo o Suhol?

"Sa patuloy ng pagdami ng mga mamamayan at mga samahang naglalayong malutas ang mga suliranin ng lipunan ayon sa katotohanan, higit silang lumalayo sa mga pag-abuso at kumikilos ng naaayon sa pangangailangan ng katotohanan. Ang walang pakundangang paggamit ng salapi ang siyang nagiging dahilan ng mas maraming mga katanungan, na mangangailangang magkaroon ng katapatan sa larangang pangsarili’t panglipunan." (COMPENDIUM OF THE SOCIAL DOCTRINE OF THE CHURCH, No. 198.)

Mas maraming mga katanungang nagmula sa naganap na pamamahagi ng tig-kakalahating milyong piso sa mga gobernador, na kinabibilangan ng lumalabas na bayaning si Gobernador Ed Panlilio ng Pampanga. Ano ang layunin ng ipinamahaging salapi? Saan ito nanggaling? Sino ang pinagmulan ng salapi? Ang salapi bang ito’y para sa mga proyekto ng mga pamahalaang lokal? Ito ba’y para sa nalalapit na halalang pambarangay? Bakit mga kapanalig lamang ng administrasyon ang nabiyayaan? Bakit hindi naabutan ang mga mula sa oposisyon? Sino nga ba ang makikinabang sa salaping ipinamahagi? Ito ba’y mga regalo o suhol?

“Ang walang pakundangang paggamit ng salapi ang nagiging dahilan ng mas maraming mga katanungan, na higit na mangangailangang magkaroon ng katapatan sa larangang pangsarili’t panglipunan. (Compendium of the Social Doctrine of the Church, No. 198).

Ang panunuhol ay katagang ‘di katanggap-tanggap kahit na sa mga salarin kaya’t mas makabubuting tawaging “ala-ala o regalo.” Kaya upang makahinga ng maluwag at mawala ang bagabag sa konsiyensya, ang suhol ay tinatagurian ding “ala-ala o regalo.”

Sa ganitong mga nagaganap, patuloy na naghihirap ang bansa sa kakulangan ng magandang kabuhayan at kawalan ng paggalang at pagkilala sa kung ano ang tama’t kung ano ang mali, na nakalulungkot na nakikitang kagagawan ng ating mga pinuno. Nababahala kami sa mga kabataang tumitingala sa mga pinuno ng bansa bilang mga huwaran sa katapatan, integridad at kalinisan.

Mula sa usaping moral, hindi marapat at lalo’ng hindi matuwid na tumanggap ng salapi nang hindi nasasagot ang mga katanungan hinggil sa responsibilidad, pananagutan at katapatang kaakibat ng kasalukuyang usapin.

Kailangang ituloy ang balak ng mga kagalang-galang na Senador na magsagawa ng pagsisiyasat sa pamamahagi ng salapi sa mga opisyal ng pamahalaan kamakailan.

ARSOBISPO ANGEL N. LAGDAMEO
Arsobispo ng Jaro
Ika-16 ng Oktubre, 2007

No comments: