Google

Thursday, October 18, 2007

pAglaLAgaLAg... sAMa ka

Nais ko sana na gumising sa isang umaga na tahimik at malayo sa ingay ng problema... ngunit sadyang pangarap ata lamang ang gumising sa ganuong kalagayan... lalo na sa ating Bansa na batbat ng kung ano-anong balita ng katiwalian... katiwaliaan mula sa sariling pamamahay natin hanggang sa opisina ng pinaka makapangyarihang tao sa ating Bansa...

Marami akong naka hanay na gawain sa araw na ito... mga lugar na aking nais na puntahan... mga taong nais na maka-usap... sana naman ay hindi ako maapektuhan ng mga kaganapan at magaganap pa
(ilang oras mula ngayon habang isinusulat ko ito ay may pagkilos na magaganap na maaari nanamang bumago sa tahimik na buhay ko dito sa opisina)... matagal na plano ko na itong aking paglalagalag na ito at hindi ako kayang awatin ng kahit isang coup de eta pa ang iharang sa akin...

Ano nga ba ang aking plano sa araw na ito at sa loob ng isang taon simula ngayon... nais ko na maglagalag at kilalanin ang aking Bansa na sinasabi kong mahal ko... isang paglalagalag na pagkukunan ko ng inspirasyon upang magpatuloy sa aking ginagawang pagmumulat lalo na sa mga Kabataan... at marahil ang iba sa mga makababasa nito ay magiging kabilang sa aking paglalagalag na ito...

Kuwarenta... ang Pagpapatuloy ng Paglalakbay

Kinakabahan ako... ngunit kailangan ko itong gawin... ayaw ko na mawala sa mundong ito na hindi ko man lamang nakamit ang isa sa pinaka-payak na pangarap ko sa buhay... oo... napaka-ordinaryo ng aking mga pangarap... hindi ko pinangarap kasi ang lumipad patungong ibang bansa hanggat hindi ko man lang nalilibot ang Pilipinas
(hindi naman yung libot na lahat ng lugar ay mapupuntahan... bilang lamang ang aking bibisitahin) ... katangahan kung tutuusin... o mas magandang sabihin na kayabangan... pero sige tatanggapin ko na tanga ako at mayabang... pero hindi ko talaga mapilit ang aking sarili na gustuhin ang magtungo sa ibang bansa eh... pex man mamatay man ang lahat ng kuko ko sa paa...

Ngunit hindi ito nangangahulugan na ayaw ko talagang makapunta ng ibang bansa... pangarap ko rin naman makapunta ng India upang puntahan ang lugar ng kapanganakan ni Santa Teresa at ni Ghandi... nais ko ring marating ang Argentina... alam na ninyo kung bakit... at higit sa lahat ay ang lugar ng kapanganakan ng aking Tagapagtalaga - ang bayan ni Hesus...

Pero bago ang mga iyan ay ito munang madaling libutin ang aking pag-uubusan ng panahon at yaman
(hindi materyal na yaman - kaibigan)... hindi lang ako mapalad na magkaroon ng La Poderosa na magdadala sa akin sa ibat-ibang lugar ng Bansa... ngunit may Air Philippines naman si Kiko eh... hahaha.... oh ano... umpisa na ng paglalagalag... samahan ninyo ako... at hihintayin ko rin po na ako ay inyong anyayahan sa inyong mga probinsaya... pangako na pauunlakan ko ang inyong mga paanyaya... sino ba ang tatanggi sa libreng tirahan at pagkain... ayan... alam na ninyo ang halaga ng imbitasyon niyo... mura lang siba... teka... magsisimba lang muna ako...

Teka... ano nga bang magaganap mamaya... ewan ko... abangan na lang ninyo... walang kuwenta ito... kahit naman sabihin ko hindi naman kayo makikisangkot eh... manalangin na lang na huwag mauwi sa karahasan ang mga katarantaduhan ng ating mga pinuno... at huwag na sanang umepal pa ang Militar at Kaliwa... hayaan na lang ang Taong Bayan na siyang kumilos... sa panahon at paraang alam niya... malalaki na tayo... alam na natin ang ating dapat na gawin...