Hindi ko alam kung mababasa ninyo ang nakakabit na larawan na iyan... pero kung nais ninyo ng maayos na kopya ay huwag tabloid ang bilihin mo ... Inquirer ka muna tuwing Miyerkules at Biyernes para sosyal ka sa mga araw na ito at para naman mabasa mo ang mga artikulo ni Ambeth R. Ocampo... (hindi po ako pr ni Ambeth... isang tagahanga lang po ako) itong artikulo na ito ay inilathala ngayong araw na ito... ika-18 ng Oktubre...
Nagandahan lang ako sa kanyang obserbasyon... masakit man pero totoo ang kanyang sinasabi tungkol sa ating "Pagkakaisa" bilang mga Filipino... Nagkakaisa tuwing kailangan na magkaisa... maganda diba... nakabibilib... sumasalamin sa isang bansang buo... Pero ang tanong nga lang ay "gaano katagal ang pagkakaisa na ito?" Pagkatapos ng "pangangailangan na magkaisa" balik na tayo ulit sa dati... kanya-kanya na ulit... watak watak nanaman...
Ngunit hindi pa naman tayo dapat mawalan ng pag-asa... habang may mga taong natututo sa mga aral ng ating kasaysayan... may pag-asang maging makatotohanan at pang matagalan ang ating pagkakaisa bilang mga Filipino...
Isang hamon sa pagkakaisang ito ay ang usapin ng Bribery...este...Development Fund pala... na kinahaharap ng Palasyo ngayon... tingnan natin kung magkaka-isa ang Bansa natin sa usaping ito...

No comments:
Post a Comment