Google

Saturday, October 13, 2007

tALentONg PUP... uNanG bAHaGi.

Isang walang magawang Sabado ang dahilan kung bakit ako naglagalag sa Glorieta sa Makati at Trinoma sa EDSA kahapon. Ngunit may isang nakatutuwang karanasan ako sa Trinoma. Habang ako ay naglalakad at namamangha sa dami ng tao, na kasama ko marahil na wala ring magawa, ay may nakapukaw ng aking atensyon. Hindi kasi mawaglit sa isip ko na malaking bahagi ng mga lagalag na ito ay mga Kabataan, at sa isang bahagi ng Trinoma ay may napansin akong isang grupo ng mga Kabataan. Nakaupo at parang ginawang tambayan at palamigan lamang ang bahaging iyon ng Trinoma. Hindi ko masyadong binigyan ng pahalaga, inakala ko kasi na mga kabataang lagalag nga lamang sila at umuubos ng pera na ibinigay ng kanilang mga magulang. Pero nang ako ay papalayo na sa grupo ay bigla kong nakita ang isang poster, at sa poster ay nakatatak ang isang pamilyar na imahe. Tama! Nakita ko na ang tatak na iyon! PUP!!!

Bumilis ang tibok ng puso ko at daliang nilapitan ang poster upang basahin. Polytechnic University of the Philippines! Korak! Mga kabaro ko pala ang mga tambay na ito! Pero ano ba ang kanilang ginagawa sa Trinoma?

Sila pala ay mga mag-aaral... teka... mas mabuting itama ko ang pagpapakilala sa kanila...sa amin... sa ating mga P-UPs students... sila pala ay mga Tunay na Iskolar ng Bayan! Pero ano nga ba ang kanilang ginagawa duon?

Colloge of Architectures and Fine Arts, Bachelor in Interior Design. At nasa Trinoma sila upang ipamalas sa lahat ang kanilang angking galing sa pagdidisenyo. Kahangahanga ang kanilang mga likha, o mas tamang sabihing, mga disenyo. Hindi ko masyadong kayang ipaliwanag ngayon ang kanilang mga likha, ngunit masasabi ko na ito ay tunay na kahanga-hanga. Likha ng mga Kabataang pinatutunayang kaya nilang maging kapakipakinabang sa panahon nila. May mga makulay na bukas ang kanilang angking talento na ngayon pa lamang ay hinuhulma na ng maganda.

Pangako ko na bibigyan ko sila ng espasyo sa aking Blog upang makilala sila ng mga kakilala ko rin. Hihintayin ko ang kanilang pagpaparamdam. Sa ngayon ito muna...

Hangang October 15 sila sa Trinoma, sana makabisita rin kayo.

No comments: