Google

Thursday, August 16, 2007

LiHaM PaRA kAy PgmA...

Pangulong Gloria,

Isang mapagpalang araw po!

Pagpapala. Puno ang pamumuno mo ng pagpapala.

Pinagpala ka kasi maraming tao ang walang balak na alamin pa ang tunay na nangyari nuong Halalan ng 2004.

Pinagpala ka kasi maraming tao ang pikit matang nagsasabi na "pabayaan na natin yan para wag maging magulo."

Pinagpala ka kasi maraming tao ang napahiya dahil sinuportahan nila ang pagkakaluklok mo nung EDSA 2 kaya dahil sa kahihiyan pinili na lang nilang manahimik.

Pinagpala ka kasi may mga sangkot na Heneral sa Garci Scandal ang nanginginig ang tumbong ngayon at handang ipagtanggol ang puwesto mo wag lang silang mabisto sa napabalitang dayaan nuong Halalan ng 2004.

Pinagpala ka kasi maraming Filipino ang nagugutom at umaalis ng bansa upang maghanap ng trabaho at sila ang nagpapadala ng dolyares na nagpapatatag ng ekonomiya natin.

Pinagpala ka kasi maraming pinapatay na mga militante kaya marahil kumakaunti na ang mga nag-oorganisa sa kanayunan na nagiging dahilan naman upang humina ang hanay ng mga umaayaw sayo.

Pinagpala ka kasi marami ring namamatay na mamamahayag na nagiging dahilan upang matakot ang ilan na ilathala ang totoong kaganapan sa ating lipunan.

Pinagpapala ka ngayon mahal na pangulo, sana kami naman ang pagpalain sa mga darating na araw.

Pero tandaan po ninyo mahal na pangulo, hindi lahat ng araw ay Linggo.

1 comment:

Blessed Wind said...

Matapang na mga panitik...patunay na may mga pusong nanabik para ang kaayusa'y manumbalik..

pikit mata ang lahing aba sa pagbata ng kanyang problema..

nangagalit ang bawat saglit sa pangakong sinambit...

nawa'y maraming puso ang makatagpo...ng siyang tunay na makakapagpabago..hindi ng pangulo kundi ng sariling anyo...

pagpalain ang lahing pilipino!